
Tinuldukan na ng Malacañang ang panunungkulan ng dalawang opisyal sa Department of Health (DOH).
Sa direktiba ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Health Sec. Ted Herbosa, nakasaad na nag-expire na ang termino ni Ariel Valencia bilang Assistant Secretary ng DOH.
Nagtapos na rin ang extension ng serbisyo ni Jaime Bernadas bilang Director IV ng DOH.
Kaugnay nito, inatasan ng DOH na tiyakin ang maayos na turnover ng mga dokumento at impormasyong sa opisina nina Valencia at Bernadas.
Ang direktiba ay ipinadala sa DOH kahapon, April 15, at ito ay effective immediately. (BG)
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’