Dalawang online sellers na tulak ng ilegal na droga ang balik-kulungan matapos muling masakote ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, nasakote ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr. si Michael Mendoza, 44 ng Phase 2 Blk. 2 Lot 8 Pampano St. Malabon at Harold Gonzales, 29 ng Arayat St. Cubao, Quezon city matapos bentahan ng P28,000 halaga ng high-grade na pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops ang isang police poseur-buyer.
Sinabi ni Gen. Ylagan, si Mendoza ay nakulong noong October 12, 2017 dahil sa pagbebenta ng illegal na droga at nakalaya ito noong December 12, 2018 habang si Gonzales ay nakulong naman sa Quezon City noong August 15, 2019 dahil din sa illegal na droga at nakalabas noong nakaraang September 2020.
Dakong alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU ang buy-bust operation sa Blk 2, Lot 8 Pampano St. na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa isang kilogram ng hinihinalang high grade na pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na may standard drug price P120,000 ang halaga, drug paraphernalia at marked money kabilang ang isang tunay P1,000 bill at 27 piraso boodle money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA