November 5, 2024

2 OFW NA PAPUNTANG SAUDI, HINARANG DAHIL SA PAMEMEKE NG EDAD

Human Trafficking sign

Clark Freeport Zone, Pampanga – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang dalawang babaeng overseas Filipino workers (OFWs) na papuntang Jeddah matapos dayain ang kanilang edad.

Sa ipinadalang report kay BI Commissioner Jaime Morente, idinetalye nina Travel Control and Enforcement Unit officers Maria Clarissa Bartolome at Kaypee Enebrad kung papaano napigilan ang dalawa noong nakaraang Huwebes, matapos paghinalaan na pineke ang kanilang edad para matanggap sa trabaho bilang Household Service Workers (HSWs) sa abroad.

Nagmula pa sa Cotobato ang dalawa, na itinago ang pagkakilanlan dahil sa umiiral na anti-trafficking laws, kung saan nagpanggap ang mga ito na 26 at 27-anyos pa lamang. Tinangka nilang lumipad patungo sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Qatar Airways flight no. 931.

Habang ini-interview ng immigration officers, napansin na lubos na hindi magkatugma ang pahayag ng dalawa tungkol sa kanilang personal na mga detalye. “It was later confirmed that they have misrepresented their age, and they admitted that their documents were merely processed for them by their recruiter,” wika ni Morente.

Matatandaan na ang minimum age para sa deployment ng HSWs ay 23 years old.