NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Martes ang dalawang Pinay na ilegal na ni-recruit para magtrabaho sa Qatar.
Sa natanggap na report ni BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni Travel Control and Enforcement Unit Chief Ma. Timotea Barizo na napigilan ang mga pasahero, na hindi binanggit ang pangalan para sa proteksyon, sa departure area sa NAIA Termnal 3 bago pa makasakay sa Qatar Airways flight patungong Qatar.
Ibinahagi ni Barizo na masusing siniyasat ng primary inspection officers ang mga dokumento ng lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) bago sila tuluyang paalisin.
“The quick eye of our immigration officers in the frontlines saw that there was reason to suspect the duo, upon noticing that their Overseas Employment Certificates (OECs) are not encoded in our linked database with the Philippine Overseas Employment Administration (POEA),” dagdag ni Barizo.
Bilang bahagi ng protocol, isinangguni ang dalawa sa POEA Labor Assistance Center (LAC) ng terminal upang ma-verify ang kanilang mga dokumento.
Pagbalik nagpakita sila ng isang validated slip, na nadiskubre ng mga opisyales na pineke.
Habang tinatanong ng BI-TCEU, umamin ang dalawa na ibinigay lang ng kanilang handler ang OEC validation forms malapit sa exit ng paliparan, nagbayad sila ng tig-P35,000 kalapit ng pekeng dokumento.
Ang mga biktima ay agad nai-turn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sumailalim sa imbestigasyon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY