Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong mga suspek na si Richard Doydoran, 20 at Jerome Reyes, 32, kapwa ng PNR Compound, Brgy. 73.
Nabatid na nagsasagawa ng motorcycle patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police TMRU sa kahabaan ng Abby Road, Brgy. 73 dakong 2:20 ng madaling araw nang makita nila ang mga suspek na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa curfew at wala pang suot na facemask.
Nang sitahin, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at sa halip ay tinangkang tumakas ng mga ito kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa maaresto.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 3.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P24,480 ang halaga at isang glass tube pipe na naglalaman ng nalalabi ng hinihinalang marijuana.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon