Handang makipagtulungan sa APD-PIID ang dalawang suspek na nahuli sa Pampanga upang mahuli ang mastermind ng Honey Love scam dito sa bansa.
Naaresto ang dalawang suspek na sina Randy Castro at Fernando Nucop sa isinagawang entrapment operation sa Pampanga matapos na i-claim sa Palawan Remittances ang ipinadalang pera ng biktima na nagreklamo sa tanggapan ng Airport Police Department.
Base sa reklamo ng 62-anyos na babaeng biktima, na taga-BF Homes Paranaque, nakilala niya sa social media noong nakaraang buwan ng Abril ang isang Spanish na nalalaki na kalaunan ay nagkaroon sila ng relasyon na umabot sa usapin ng pagpapakasal.
Nagpadala aniya ito sa kanya ng bagahe subalit na hold umano sa custom kaya’t nagpadala ang biktima ng pera sa nagpakilalang ahente ng bagahe ng makailang ulit.
Dahil dito nagsagawa ng entrapment operation ang Airport Police na nauwi sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.
Nagpaliwanag and dalawang suspect na walang silang alam sa modus ng suspect na si Sophia Pearl Guinto na itinuturing na mastermind ng Honey Love scam dito sa bansa na pamangkin naman ni Randy Castro na isa sa mga suspect.
Aniya inutusan lamang sila ni Guinto na kunin ang pera sa Palawan na P35,000 kapalit na bibigyan sila ng halagang P2,000.
Dahil dito nagdesisyon ang dalawang suspek na makipagtulungan sa mga otoridad para sa pagkakaaresto ni Guinto at ng kinakasama nito na Nigerian national na sa kasalukuyan ay nagtatago na ngayon sa batas.
Inilabas din sa media nila Castro at Nucop ang video ng pagkakilanlan ng suspect na si Guinto.
Nanawagan din sina Castro at Nucop sa suspect na sumuko na at harapin ang kaso dahil sila ang nagdurusa ngayon sa kasalanan na hindi naman daw nila ginawa.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna