NADAKIP ng pulisya ang lalaki na listed most wanted ng Valenzuela City, kabilang ang top 8 MWP sa magkahiwalay na manhunt operation sa Parañaque City at Cavite, kahapon ng umaga.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, dakong alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng joint manhunt operation ang Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista, SIDMS sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Robin Santos at 5th MFC, RMFB, NCRPO sa Santos Compound Sagana Remville Homes, Habay II, Bacoor Cavite na nagresulta sa pagkakadakip kay Rafael Manalastas alyas Rafael Ocampo, 20, ng No. 485 Dulong Tangke St., Brgy. Malinta, Valenzuela City.
Ani Lt Bautista, hindi na pumalag ang akusado na listed bilang top 8 MWP ng lungsod nang isilbi nila ang warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 16, Valenzuela City noong February 7, 2023, para sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Child Abuse Law.
Nauna rito, dakong alas-7:30 ng umaga nang maaresto naman ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PCpt Ronald Sanchez ang most wanted na si Manuel Parde Jr, 43, ng Sampaloc St., Brgy., Piltera, Pasay City sa manhunt operation sa Okada Hotel, Parañaque City.
Ayon kay Cpt Sanchez, si Parde ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 172, Valenzuela City noong July 19, 2018, para sa kasong CIncestuous Rape in relation to R.A. 7610 – Child Abuse Law.
Ang dalawang akusado ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng VCPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW