DALAWANG lalaki na kapwa wanted sa kaso na may kinalaman sa illegal na droga ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Navotas at Valenzuela City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police sa manhunt operation sa B. Cruz St., Brgy. Tangos ang 40-anyos na lalaking nasa top 10 most wanted person ng lungsod.
Pinosasan ng mga pulis ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ronaldo Q. Torrijos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City noong April 28, 2024, para sa paglabag sa Section 5 at 11, Article II of R.A. 9165.
Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga tauhan ni P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela police ang 34-anyos na lalaki na residente ng Bulacan at kabilang sa mga most wanted person ng lungsod sa ikinasang manhunt operation sa RTC Builiding sa Maysan Road, Brgy. Malinta, ala-1:45 ng hapon.
Ani Col. Cayaban, binitbit ng mga tauhan ng Detective Management Unit ng Valenzuela police ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na nisyu ni Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng RTC Branch 285, Valenzuela City noong May 10, 2024, para sa paglabag sa Sec. 12 at Sec. 15 Art. II of R.A 9165. (JUVY LUCERO)
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON