December 25, 2024

2 most wanted persons sa Valenzuela, nasakote

ARESTADO ang dalawang most wanted persons sa isinagawang One-Time-Big-Time (OTBT) at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., na alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Northern NCR Maritime Police Station ng joint manhunt operation.

Timbog sa naturang operation ang akusado na si alyas “Emman”, 21, sa Gumamela Extension, corner Abalos Bukid, Barangay Gen. T. De Leon, dakong alas-10:00 ng gabi.

Ani WSS chief P/Lt Ronald Bautista, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong December 15, 2023, para sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5(B) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648.

Nauna rito, nasakote din ng mga operatiba ng WSS, kasama ang Northern NCR Maritime Police Station ang isa pang akusado si alyas “Nelson”, 52 ng Brgy. Ugong sa manhunt operation sa Urrutia Avenue, Brgy., Gen. T. De Leon, bandang alas-9:15 ng gabi.

Si Nelson ay pinosasan ng mga tauhan ni Lt. Bautista sa bisa ng warrant of arrest was na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court, Branch 270, Valenzuela City noong December 29, 2023, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 – Child Abuse Law.

Pansamantalang nakapiit ang dalawang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.