Arestado ng mga awtoridad sa Valenzuela city ang dalawang tinaguriang top most wanted persons sa probinsya ng Northern Samar.
Ayon kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong 1:45 ng hapon nang maaresto ng mga pulis si Beltran Cerbito, 55, top 3 most wanted person ng Northern Samar sa St. Joseph Compound, Bagbaguin, ng lungsod.
Ani Police Major Marissa Arellano, hepe ng Station Intelligence Branch (SIB), si Cerbito ay inaresto sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) – Branch 22, Laoang, Northern Samar para sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o ang Anti-Rape Act of 1997.
Makalipas ang isang oras, nadakip naman ng mga pulis ang No. 2 most wanted ng probinsya na si Rommel Cerbito, 23, sa Saragoza St., Tondo Manila, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng RTC Branch 22, Laoang, Northern Samar para sa kasong rape in relation to R.A. 7610.
Ang dalawang naarestong suspek ay kapwa residente ng Valdez Compound, Paso De Blas, Valenzuela City.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY