TIMBOG ang dalawang lalaki na kapwa nakatala bilang most wanted persons ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSUO-NPD) sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Navotas Cities.
Sa report ni DSOU chief P/Major Marvin Villanueva kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y kinaroroonan ng 30-anyos na lalaking akusado at residente ng lungsod.
Kasama ang mga tauhan ng NPD-DID, agad nagsagawa ang DSOU ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-9:00 ng gabi sa Buklod ng Nayon St., Brgy., 8.
Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Misael Madelo Ladaga ng Regional Trial Court (RTC) Branch 126, Caloocan City, noong May 4, 2022, para sa kasong Frustrated Murder.
Sa Navotas, nadakip din ng mga tauhan ng DSOU at ng NPD-DID sa ikinasa ring joint manhunt operation sa JB Santos St., Brgy., Tangos South, bandang alas-5:14 ng hapon ang akusadong si alyas Bado, 24, residente ng Caloocan City.
Si ‘Bado’ ay pinosasan ng mga tauhan ng DSOU sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Fredrick G Separa ng MeTC Branch 118, Navotas City, noong April 5, 2024, para sa kasong Attempted Homicide.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD-DSOU at Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY