December 21, 2024

2 most wanted persons arestado sa Caloocan

BAGSAK sa kulungan ang dalawang most wanted persons, kabilang ang isang babae matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Northern Police Ditsrict (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na nagsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jansen Ohrelle Tiglao ng manhunt operation kontra wanted persons.

Dakong alas-2:15 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng WSS ang akusadong si alyas “Christalyn”, 33, sa kanilang lugar sa Ilang-ilang St., Barangay 185, Malaria, Tala.

Ayon kay Col. Lacuesta, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Judge Rodrigo Flores Pascua Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 122, noong August 1, 2023, para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 – Possession of Dangerous Drugs (Section 11, Art. II of R.A. 9165).

Bandang alas-5:20 naman ng hapon nang madakip din ng mga tauhan ng WSS sa manhunt operation ang isa pang akusado na si alyas Felizardo, 36, sa F. Roxas St., 3rd Ave., Barangay 48.

Ani Major. Tiglao, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judeg Lyn Llamasares-Gonzales ng RTC Branch 120, San Jose Del Monte City, Bulacan noong November 7, 2023, para sa kasong Qualified Theft (RPC Art. 310).