NATAPOS na ang pagtatago sa batas ng dalawang most wanted person makaraang masakote ng mga awtoridad sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, nasakote sa joint manhunt operation ng mga tauhan ng Sta Quiteria Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni P/Major Brian Ramirez, Intelligence Section sa pamumuno ni P/ Major John Chua sa koordinasyon sa WSS-IDMS sa pamumuno ni M/Major Jeraldson Rivera ang Top 1 most wanted ng Caloocan City na kinilala bilang si Rex Gardose alyas “Enteng”.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong September 6, 2022 ni Judge Victoriano Bañez Cabaños ng Regional Trial Court (RTC) Branch 127, Caloocan City para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may inirekomendang piyansa na P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa Valenzuela, natimbog din ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Robin Santos sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr ang most wanted ng lungsod na si Danilo Raymundo, 73, sa kanyang bahay sa Brgy. Marulas dakong alas-10:55 ng umaga.
Ani PLt Santos, si Raymundo ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong ng October 13, 2022 ng Valenzuela City’s Regional Trial Court Branch 270 para sa kasong statutory rape, at dalawang bilang ng lascivious conduct under section 5(b) of the Republic Act 7610, the Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. May inirekomenda ang korte na piyansang P180,000 bawat bilang para lascivious conduct habang wala namang inirekomenda na piyansa para sa statutory rape.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON