November 2, 2024

2 most wanted arestado ng Sto. Tomas PNP

Nadakip ang dalawang most wanted na kriminal ng Sto. Tomas CPS kahapon.

Sa ulat na ipinadala ni PCol Glicerio C Cansilao, Provincial Director, Batangas Police Provincial Office, kay PBGen Antonio C Yarra, Regional Director, Police Regional Office CALABARZON, unang nadakip si Kenneth Escarmosa Geneblazo alyas Kenneth Malabuyoc, 47 taong gulang, at tubong Victoria, Laguna bandang 8:23 ng gabi ng kaparehas na petsa.

Nasakote ang suspek sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas sa bisa ng warrant of arrest para sa krimen ng Comprehensive Law on Firearms and Ammunition number 22-07-733 na ini-issue ni Hon. Jose Ricuerdo Policarpio Flores, Presiding Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 6, Tanauan City, Batangas noong July 25, 2022. Mayroong pyansa na nagkakahalaga ng isang daan at dalawampu’t libong piso ang naturang kaso. Si Geneblazo ay tinaguriang Rank 3 Most Wanted City Level.

Ikalawang Wanted naman Si Ma. Teresa Gutierrez Matalog, 40 years old, isang vendor, vendor, tubong Guinayangan, Quezon at residente ng Brgy. San Rafael, Sto Tomas City, Batangas ay sumunod naman na naaresto bandang alas-11:35 ng gabi ding iyon para sa kasong Parricide. Nahuli ang suspek sa inihaing warrant ng mga operatiba ng Sto. Tomas CPS at Guinayangan MPS. Ang warrant of arrest na may criminal case number 22-9246-C ay inilabas ni Hon. Julieto F. Fabrero, Acting Presiding Judge, Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 63, Calauag, Quezon noong April 18, 2022 at walang rekomendadong piyansa.

Pinuri ni PBGen Yarra, ang Sto. Tomas CPS para sa kanilang dalawang nahuli na most wanted. Anya hindi titigil ang kapulisan sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas.