Nasawi sa pagkakalunod ang dalawang menor de edad na lalake na kapwa grade 8 student habang naliligo sa lawa ng Laguna Lake sa Brgy. Libid, Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Mark Lester Lamac at Niedel Vince Vereno, parehong 15 taon gulang at kapwa residente ng Napico Manggahan sa Lungsod ng Pasig.
Base sa imbestigasyon ng pulisya nagkayayaang maligo ang grupo ng dalawang biktima sa nasabing lugar at habang naglalaro sa paliligo ay nadulas si Vereno at nakakapit kay Mark Lester, na parehong nahulog sa malalim na bahagi ng lawa at hindi na lumutang pa kaya’t agad humingi ng tulong ang mga kasamahan ng dalawang biktima sa mga Barangay Officials sa lugar na siyang tumawag sa mga otoridad.
Narekober ang bangkay ng mga biktima makalipas ang ilang oras sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at iba pang rescue team na nagresponde sa nangyaring insidente. (Erichh Abrenica)
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD