HUMINGI ng tulong kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Theodor Locsin Jr. ang isang Pinoy sa Australia sa umano’y pagdukot sa kanyang dalawang menor de edad na anak ng Social Workers ng Department of Children Services (DoCS) at personnel ng Family Community Services and Justice (FCSaJ).
Sa reklamo ni Inocencio “Coy” Garcia, 25-anyos, residente ng Kurama Cresent Whalan NSW 2770 Sydney Australia, pitong taon na siyang nakikipaglaban sa kustodiya ng kanyang mga anak matapos umanong kidnapin ng mga tauhan ng DoCS-FCSaJ sa Mount Druitt, City of Balckdown, sa Greater Sydney Metropolitan area sa New South Wales noong Setyembre 23, 2014.
Bigla na lamang umanong pinasok ang bahay nila Garcia ni DoCS case Acting Manager Kayleigh Wotherspoon at dinukot ang kanyang anak na si Jennifer mahigit tatlong taong gulang at James mahigit 2 taong gulang habang siya ay nasa trabaho.
Inakusahan umano ni Wotherspoon si Garcia ng child abuse at malnutrition para pagtakpan ang pagdukot sa mga bata at magkaroon siya ng legal na basehan para kunin ang kustodiya ng dalawang bata sa kanyang ama.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin umano ang legal na laban ni Garcia para makuha ang kustodiya ng kanyang mga anak matapos siyang sampahan ng kasong criminal ng DoCS na tinawag niyang scam dahil wala umano itong pupuntahan dulot ng pagtatago ng Korte ng Court Hearing’ Proceedings habang kasabwat ang mga Social Workers na umano’y sangkot sa kidnapping at pagpeke sa pirma nila para sa child adaptation process.
Nag-ugat umano ang insidente matapos silang humingi ng tulong sa mga Social Workers para tulungan ang kanyang asawa na inabuso ng kanyang tiyuhin noong siya ay 14-anyos pa lamang sa bahay ng kanyang ina na katabi lamang ng bahay ni Garcia, subalit sa halip na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring krimen ay napokus ang atensyon nila sa pagkidnap umano ng kanyang dalawang anak.
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN