December 24, 2024

2 MANYAK NA PULIS, PINASISIBAK NI GAMBOA

Kuha mula sa 24 Oras

WALANG paligoy-ligoy ang utos ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa na madaliin ang pagsibak sa serbisyo kina P/Staff Sgt. Randy Ramos at P/Staff Sgt. Marawi Torda na pumatay at humalay umano sa 15-anyos na si Fadel Pineda.

“I actually directed IAS to finish and dismiss the policemen in 15 days,” sabi ni Gamboa sa isang press briefing kanina sa Camp Crame.

Ayon sa ulat, bago ang pagpatay nitong July 2 sinita muna ng dalawang pulis si Fabel at ang kanyang pinsan dahil lumabag ang mga ito sa curfew noong June 28 nang dumalo sa birthday party sa San Juan, Ilocos Sur.

Pero imbes na sa presinto ihinatid ng mga pulis ang magpinsan sa bayan nila sa Cabugao. Dinala sila sa ilog at doon pinagsamantalahan.

Inireklamo ng mga biktima ang dalawang pulis sa Cabugao Police station pero habang pauwi na sila kasama ang tiyuhin ni Fabel, binangga sila ng isa pang motorsiklo pagkatapos ay pinagbabaril ng isang sakay ng nakabangga. Napuruhan si Fabel kaya namatay.

Ang dalawang pulis ang itunuturong sakay ng motorisklo.

Paniwala ng kaanak ng biktima na tinuluyan ng dalawang pulis ang pamangkin dahil inireklamo sila nito.

“Ni-rape nila, binaboy nila. Ginawa na nila ang gusto nila pero pinatay pa nila,” ayon sa tiyahin ni Fabel.

Hinimatay din ang ina ni Fabel na nasa Kuwait noong una niyang malaman ang karumal-dumal na sinapit ng kanyang anak.

“Ang gusto ko lang mangyari ang makamtam ang hustisya, kung ano ang nararapat na parusa sa kanila. ‘Yun po ang gusto naming mangyari. Para naman po makamtam ang katarungan ng aking anak sa ginawala nila na parang aso na lang, na sobra pa sa aso ang ginawa nila sa anak ko,” naghihinagpis na sambit na ina ni Fabel.

Nasa restrictive custody na sa Ilocos Sur Provincial Police Office ang dalawang pulis.

Dinisaramahan at sinamapahan ng kasong murder ang dalawa, may dagdag na asunto na rape si Ramos na humalay umano sa 18-anyos na pinsan ng biktima, habang reklamong Act of Lasciviousness ang kahaharapin ni Torda matapos molestiyahin si Favel.

Ni-relieve naman sa puwesto ang hepe ng pulisya ng San Juan kung saan nakadestino ang dalawang pulis at ang hepe ng Cabugao kung saan nangyari ang krimen.

Nakaburol na si Fabel  sa Sitio Panayogan, Barangay Panay-Ogan, sa bayan ng Cabugao.

Ipinag-utos ni Gamboa sa Ilocos Regional police na bigyan ng seguridad ang pinsan ng biktima gayundin ang kanyang pamilya.