December 23, 2024

2 MAMBABATAS NAMUDMOD NG IVERMECTIN SA QC

Ipinakita ng residente ng Barangay Old Balara,  District 1, ang kanilang reseta at gamot na Ivermictin capsules na ipinamigay nang libre ni Anak Kalusugan party list Representative Mike Defensor katulong ang Sagip Party List sa pagpapakalap ng paggamit ng gamot na pinatutunayang makakasugpo at pwedeng panlaban sa COVID-19. Naniniwala rin si Concerned Doctors and Citizens of the Philippines head Dr. Iggy Agbayani na habang wala pang bakuna ay pwedeng makatulong masugpo ng Ivermictin ang virus ng Covid-19 kasabay ng pagpapalakas ng katawan sa pag-inom ng Vitamin C, B at D. (Art Torres)



Namahagi ng libreng Ivermectin capsules ang dalawang mababatas sa Barangay Matandang Balara, Quezon City.

Itinuloy nina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang pamamahagi ng Ivermectin sa kabila ng babala ng mga health authority at mga health expert.

Ang mga residente ay pinagfill-up ng form bago sila bigyan ng prescription ng mga on-site doctor na nasa venue.

Sa pinagldaang “Ivermectin Request Form” kailangang ideklara ang pangalan at address ng mga makatatanggap.

Kailangan ding ilagay kung mayroong karamdaman.

Nakasaad din sa form na ang recipient ay kusang-loob na tatanggap ng nasabing gamot at kinikilala nito ang mga posibleng magiging epekto sa kanilang kalusugan.