SA loob ng rehas na bakal humantong ang biyahe ng dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo nang mabisto ang dalawang baril na dala nila makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na helmet sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code), paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang mga naarestong suspek na sina alyas “Sandricks” at alyas “Allan”.
Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagsasagawa ang mga tauhan Malabon Police Sub-Station 1 ng check point dakong alas 4 ng madaling araw sa kanto ng Governor Pascual at Nangka Road, Brgy. Potrero nang parahin nila ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo dahil kapwa walang suot na helmet.
Nang tanungin kung may lisensiya sa pagmamaneho ang driver ng motorsiklo na Sandricks, dito na napansin ng mga pulis ang dala niyang baril kaya’t pinababa sila ng motorsiklo.
Nakuha ay Sandricks ang isang caliber .40 pistol na may magazine na naglalaman ng limang bala habang isang caliber .9mm pistol na may magazine na naglalaman ng apat na bala ang nasamsam sa kanyang ka-angkas na si Allan.
Dahil walang maiprisintang dokumento na magpapatunay na may lisensiya at permit to carry ang nasamsam sa kanilang armas, binitbit at kinalaboso ng mga pulis ang dalawa habang ini-impound din ang kanilang sinasakyang motorsiklo na may plakang 4312CU.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON