Arestado ang dalawa sa tatlong lalaking matapos na manggulpi at manaksak ay bumalik sa bahay at ipinagpatuloy ang kanilang pagtagay habang nakatakas ang isa pa, sa Caloocan City kagabi.
Kalaboso sina Joseph John Daniel , 35, binata, ng 232 Zaphire St., Barangay 170, Caloocan City; at Michael Daniel Escasulatan, 36, ng parehong adred; habang nakatakas naman ang isa pang tomador na si Arceo Boledo.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa bahay ng biktimang si Anthony Guarda Quiver, 45, may asawa, ng 235 Zaphire Street, Barangay 170, Caloocan City dakong alas-8 ng gabi.
Tumotoma sa kanyang bahay ang biktima at isa pang kalugar nang bumulusok sa eksena ang mga suspek na nag-iinuman din sa kanilang bahay at kinulata si Quiver saka sinaksak.
Matapos ito ay parang walang nangyaring bumalik sa kanilang hideout ang mga suspek at nagpatuloy sa paglaklak ng alak.
Dumulog sa pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa sa mga suspek na haharap sa kasong frustrated murder.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA