KALABOSO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang pugante na wanted sa South Korea and the United States dahil sa kanilang pagkakasangkot sa fraud-related activities.
Kinumpirma ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pagkakaaresto kina Kwon Junyoung, 38, at Seok Jongmin, 48, noong nakaraang Sabado sa Brgy Cuayan, Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU).
Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Korean authorities, government intelligence groups at Angeles City Police Station.
Ayon kay Tansingco, wanted si Kwon sa telecommunications fraud sa South Korea habanh si Seok ay wanted sa Texas dahil sa pagkakasangkot sa wire fraud, money laundering at identity theft.
“They will soon be deported to Korea and the US as a summary deportation orders were already against them by the BI board of commissioners,” saad ni Tansingco.
Inilagay na rin ang dalawa sa blacklist ng Kawanihan bilang undesirable aliens, kung saan hindi na sila maaring makatungtong muli ng Pilipinas.
More Stories
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Hall’, Nasa YouTube na!
Gatchalian: Pag-amyenda sa Teachers Professionalization Act layong iangat ang edukasyon sa bansa
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU