HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang ginawang panlilinlang ng dalawang South Korean national na nagtangkang pumasok sa bansa matapos magpresinta ng pekeng kopya ng marriage certificates sa mga Pinay.
Pinagbawalan nang makapasok ng Pilipinas ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang Koreano na nakilalang sina Shin Bumsik at Woo Jungje, kung saan ilalagay ang kanilang mga pangalan sa Immigration blacklist bilang undesirable aliens.
“Don’t trick our officers by presenting bogus marriage certificates because that will not work. You will be turned back to where you came from and can no longer return to our country,” babala ni Morente sa iba pang dayuhan na nais pumasok sa Pilipinas.
Nagpaalala rin ang BI Chief na hindi garantiya ang pagkakaroon ng entry visa para sa mga banyaga na makapasok sa bansa dahil may mandato raw ang mga immigration officers na i-assess ang mga dumating na foreigners.
“If you lie and resort to fraud and misrepresentation, you are unfit to be given the privilege to enter our country. You will be excluded and booked on the first available flight back to your port of origin,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina na naharang ang dalawang Koreano sa Mactan airport noong Lunes, Agosto 17, 2020, matapos silang dumating sakay ng Aseana Airlines flight mula Seoul.
Aniya ang naturang pasahero, na may tourist visas, ay nagpresinta ng naka-scan na kopya ng marriage certificates para magmukha silang kasal sa mga Filipina.
Para pukawin ang hinala ng immigration officer na naka-duty ay napagdesisyunan nito na sumangguni muna ang mga pasahero sa kanilang supervisors para sa pangalang inspeksyon. “It was later found that one of them, Shin Bumsik who is only 20 years old, could not have married a Filipina as he had never traveled to the Philippines before,” ani ni Medina.
Dagdag pa niya na isa pang 34-anyos na Koreano na si Woo Jungje ang nahuling nagsisinungaling matapos matuklasan na wala siya sa bansa noong panahon ng kanya umanong kasal nitong Oktubre taong 2019.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?