KULUNGAN ang kinasadlakan ng lalaking armado ng baril at isa pa nang maaktuhan habang nagsusugal ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Valenzuela City Acting Chief of Police P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng reklamo sa pag-iingay ng mga kalalakihan habang nagsusugal ng cara y cruz sa Industrial Road, Brgy. Karuhatan kaya’t inatasan niya ang mga tauhan ng Karuhatan Police Sub-Station-9 na puntahan ang lugar.
Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng SS-9 subalit, nagkanya-kanya umanong pulasan ang mga sugarol nang matunugan ang kanilang pagdating kung kaya dalawa lamang ang nadakma ng pulisya dakong alas-5 ng hapon.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek na si alyas Popoy ang isang kalibre .38 revolver na may kargang dalawang bala, bukod pa sa nakumpiska sa kanila na tatlong P1. barya na ginagamit na pangara at P520.00 na naiwang taya.
Bukod sa paglabag sa PD 1602 o illegal gambling, karagdagang kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang kakaharapin ni ‘Popoy’ sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA