SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos mabisto ang dalang patalim, baril at shabu makaraang masita ng pulisya sa Oplan Sita dahil sa paglabag sa Dress Code habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Martin, 32, at alyas Jayson, 33, kapwa ng Brgy. Malinta.
Nabatid na habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang pulisya sa kanto ng M.H Del Pilar at Hernandez Sts., Brgy. Mabolo nang parahin nila ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo dahil nakasuot ng tsinelas ang nagmamaneho na si ‘Martin’ na paglabag sa Dress Code dakong alas-9:40 ng gabi.
Sa isinagawang beripikasyon, inilabas ni ‘Martin’ ang kanyang transparent ID holder at nikita na nakasuksok sa loob nito ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu kaya agad siyang inaresto ng pulis at nakuha pa sa kanya ang isang cal. 22 firearm na kargado ng isang bala.
Habang nakuha naman kay ‘Jayson’ ang isang patalim at green pouch na naglalaman ng dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagresulta din sa pagkakaaresto sa kanya.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possesion of Firearms and Ammunitions), BP 6 (Illegal Possesion of Deadly Weapon) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA