Swak sa kulungan ang dalawang tirador ng motorsiklo matapos na masamsam sa kanila ang anim na nakaw na motor at mga piyesa nito sa Caloocan City.
Haharap sa kasong paglabag sa bagong Anti-carnapping Law ang mga sinakoteng sina Emil Ramirez y Catalan, 25, binata, mekaniko, ng Phase 5, Package 3, Lot 13, Blk. 21, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City at; Alvin Lorenzana y Sambile, 26, binata, istambay, ng 16307 Barrio San Lazaro, Tala, Caloocan City.
Dumulog sa pulisya si Mary Ann Dabu y Dela Cruz, 27, dalaga, ng 063 San Pedro, Palcarangan, Lubao, Pampanga, bilang kinatawan ni Romel D. Dabu dahil ninakaw umano ang kanyang motorsiklo ni Ramirez sa Champaca Extension, Area B, Brgy. 174, Camarin, Caloocan City dakong 4:30 am noong Mayo 12.
Bumuo ng pangkat ang mga alagad ng batas at natunton si Ramirez lulan ng nasabing ninakaw na motor sa Langit Road, Brgy. Bagong Silang, Caloocan City dakong alas-2 ng hapon noon ding Mayo 12.
Inginuso rin ni Ramirez kung saan nakaimbak ang iba pang motorsiklong ninakaw nila ni Lorenzana na dinakip rin matapos masamsam sa kanya ang limang motorsiklo at sari-saring pyesa.
Sa verification ng mga ninakaw na motor ay lumutang ang dalawa pang complainants na sina Tristan Dairo y Garcia, 25, binata, ng 104 Upper Banlat, Tandang Sora, Quezon City, at; Ricky D. Tana na kinatawan ni Joseph Luzaldin Tana y Delgado, 47, binata, barangay staff, ng Phase 2, Package 1, Blk. 24, Lot 7, Bagong Silang, Caloocan City at kinilala ang kanilang mga nawawalang motorsiklo base sa mga dokumento.
Maliban sa anim na motorsiklo, nakuha din sa mga suspek ang apat na deformed block; anim na rim na may gulong; dalawang rim na walang gulong; pitong sari-saring motorcycle pipes; isang center stand; dalawang carrier bracket; sari-saring tools, at; anim na plate numbers. (JUVY LUCERO)
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK