February 8, 2025

2 kalaboso sa P68-M shabu sa Pasay City

Nasamsam mula sa dalawang naarestong suspek ang aabot sa P68 milyon halaga ng shabu matapos ang ikinasang anti-drug operation sa Pasay City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nadakip ang mga suspek na sina alyas Aldrich, 28, at alyas Rudy, 32, sa isang buy-bust operation sa Seaside Boulevard, North Parking, SMBY, Barangay 76 sa Pasay City dakong alas-3:30 ng hapon kahapon.

Narekober sa mga suspek ang 10 kilo ng hinihinalang shabu, cellular phones, sasakyan, buy-bust money at mga ID.

Kinasuhan ang dalawa dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Pasay City Prosecutor’s Office.