December 24, 2024

2 Illegal na dayuhan na gumamit ng fake marriages naharang sa NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Koreans na nagtangkang ilegal na makapasok ng bansa gamit ang pekeng entry visas at nagpanggap na kasal sa Filipino.

Sa report na ipinadala kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ni Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang dalawang Koreano na sina Kim Jeongseong, 28, at Lee Seohyeon, 24, na dumating sa NAIA Terminal 1 noong Linggo sakay ng Aseana Airlines flight mula Incheon, South Korea.

 “They both presented bogus tourist visas and marriage certificates purportedly showing that they are married to Filipino citizens,” saad ni Manahan.

Aniya pa na ilalagay sa immigration blacklist ng nasabing mga Koreano dahil sa pagiging undesirable aliens dahilan para hindi na sila muling makapasok ng Pilipinas.

Ibinahagi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan na sumalang sina Kim at Lee sa ikalawang inspeksiyon ng immigration officers matapos pagdudahan ang kanilang visas na nakadikit sa kanilang passport at ang ipinakitang marriage certificates.

Sa isinagawang eksaminasyon ng mga dokumento ng forensic documents laboratory ng BI ay nakumpirma na ito ay peke.