NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration ang dalawang dayuhan na naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Pasig at Bulacan dahil sa paglabag sa immigration laws.
Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr., naaresto noong Nobyembre 9 sa isang condo sa Pasig City ang isang Ghanian na kinilalang si Benjamin Akomeah, 38.
Subject si Akomeah ng summary deportation order na inilabas ng board of commissioner ng BI, dahil sa pagiging undersirable alien. Nang magsagawa ng inspeksyon, nalaman din na si Akomeah ay hindi dokumentado nang mabigong ipakita ang kanyang pasaporte o anumang immigration document.
Nadakip din ng mga immigration operatives ang 72-anyos na American national. Kinilala ang dayuhan na si John Randall Wilson, na naaresto sa pakikipagtulungan ng San Jose del Monte City Police Station at mga opisyal ng barangay sa isang residential home sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Nobyembre 14.
Si Wilson ay subject ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Norman Tansingco. Nalaman na siya ay overstaying at walang maipakitang immigration documents, paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.
Marami na ring reklamo ang natatanggap ng BI laban kay Wilson dahil sa umano’y pagpo-post nito ng mga video ng mga bata sa social media at iba pang mga website.
Matapos maaresto, kaagad isinalang sa RT PCR testing alinsunod sa BI health protocols, at inilipat sa holding facility ng BI sa Taguig kung saan pansamantala silang mamalagi habang hinihintay ang deportation.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI