NAHARANG ng Bureau of Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang illegal aliens na nagtangkang umalis ng bansa.
Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang dalawang dayuhan, na magkahiwalay na inaresto sa NAIA Terminal 3, na sina Indian national Ram Baldev, 43, na hinarang noong Oktubre 23 at Australian Peter Anthony McFarlane, 65, na pinigilang makaalis noong sumunod na araw.
Hindi pinayagang makaalis ng bansa ang kapwa pasahero matapos masita ng BI officers ang pagkakasalungat ng kanilang mga dokumento.
“A check of our travel database later confirmed both of them have no arrival record, thus bolstering our suspicion that they are illegal entrants,” saad ni Viado.
“Illegal entrants pertain to foreigners who arrive in the country without passing inspection by immigration authorities and without proper documents,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Viado, agad itinurnover sina McFarlane at Baldev sa mga tauhan ng border control and intelligence unit (BCIU) at inilipat sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings. (ARSENIO TAN)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM