
NASA mahigit P500K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek na sina alyas “Tata”, 45, ng Tondo Manila at alyas “Bubuli”, 53, ng Caloocan City.
Sa kanyang report kay NPD Acting Director P/Col. JosefinO Ligan, sinabi ni Lt. Col. Aniway na ikina nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos magpositibo ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y pagbebenta ng mga suspek ng droga.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek nang matanggap ang senyas mula sa isa nilang kasama na positibo na ang transaksyon dakong alas-10:50 ng gabi sa Brgy., 28, Dagat-Dagatan,ng lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P510,000 at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinasampa ng DDEU laban sa mga suspek Caloocan City Prosecutor’s Office.
Binati ni Col. Ligan ang dedikasyon ng DDEU sa pagsasagawa ng operasyon, na muling pinagtitibay ang pangako ng NPD na panatilihing malaya ang mga lansangan mula sa illegal drugs at criminal activities.
More Stories
DTI itinurnover ang P30-M improved farm-to-market road sa Lanao del Norte
BABAENG SOUTH KOREAN NA WANTED SA RENTAL SCAM NADAKMA
iFWDPH program naglalayong matulungan ang mga OFW na magkaroon ng mga negosyo na nakabase sa teknolohiya