KULUNGAN ang bagsak ng dalawang drug personalities na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P1.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PLt. Col. Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) ang naarestong mga suspek bilang sina Ramon Tan alyas “Pare”, 55 ng No. 220 AR Cruz St. at Norilyn Santiago alyas “Lyn”, 47 ng No. 123 M. Ablola, kapwa ng Brgy. Tangos South.
Sa report ni Castillo kay NPD Director PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-6:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa bahay ni Santiago kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu.
Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang medium size transparent plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 205 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,394,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money at hand bag.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA