TINATAYANG mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas Emmon, 27, ng Brgy., Veinte Reales at alyas Banak, 30, ng Caybiga, Caloocan City na kapwa nakapiit ngayon sa custodial facility unit ng Valenzuela police.
Nabatid na na dakong alas-6:50 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may stimated value na P340,000, buy bust money na isang P1,000 bill at 16 pirasong P1,000 boodle money, dalawang cellphones, P220 recovered money, coin purse at isang motosiklo.
Ayon sa SDEU, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya agad silang bumuo ng tean saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM