SWAK sa kulungan ang dalawang binata matapos masakote ng mga tauhan ng Maritime Police habang nagsusugal ng cara y cruz at shabu umano ang taya sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Maritime Police Station (MARPSTA) Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Sherwin Tiu, 27, stevedore at Ariel Corona, 18, stevedore, kapwa ng Brgy. NBBN.
Sa report ni PSMS Bong Garo II Northern NCR MARPSTA P/Col. Ricardo Villanueva, alas-12:10 ng hating gabi nang respondehan ng mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na ilegal gambling sa N. Symaco Consignacion, Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz dahilan upang arestuhin ang mga ito kung saan narekober sa kanila ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P500 ang halaga, P230.00 bet money at tatlong peso coins na gamit bilang toss coin.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa City Ordinance 2020-33 (Curfew), PD 1602 as Ammended by RA 9287, Art. 151 (Disobedience to Person in Authority), RPC at Sec. 11 of RA 9165.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?