
SWAK sa kulungan ang dalawang holdaper nang masapol sa kuha ng close circuit television (CCTV) camera ang ginawa nilang panghoholdap sa isang coffee shop sa Caloocan City.
Dakong alas-11:30 ng gabi nang pasukin nina alyas “Topher”, 47, na armado ng Uzi submachine gun, at alyas “Balueg”, 50, ang coffee shop sa 191 A. Mabini St. Maypajo, Brgy, 30, bago mabilis na tumakas, tangay ang dalawang Ipad ng mga customer na sina alyas “Eugene” at alyas “Lyssa”, kapuwa 24-anyos at P2,500 sa kaha ng coffee shop.
Nang makaalis ang mga suspek, kaagad lumabas ng coffee shop ang mga service crew na sina alyas “Jhon”, 22, at alyas “Carl” 19, para humingi ng saklolo sa mga nagpapatrulyang tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Topher at pagkakabawi sa Uzi submachine gun na may anim na bala ng kalibre 9mm na nakalagay sa pulang bag na kanyang bitbit.
Sa follow-up operation naman ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan at Tuna Police Sub-Station 1, nadakip sa Brgy. Longos sa Malabon City si alyas Balueg na positibong kinilala ng mga biktima.
Ayon kay BGen. Ligan, mahaharap sa kasong Robbery ang mga suspek habang karagdagang paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Batas Pambansa Blg. 881 o ang Omnibus Election Code si alyas Topher.
More Stories
BERSAMIN IKINUMPARA SI VIC RODRIGUEZ SA ASONG TAHOL NANG TAHOL
10 KASO NG MPOX NAITALA SA SOUTH COTABATO
Dalagita, Tinangay ng Tricycle Driver sa Motel—Nakaligtas sa Dahas