INIAALAY ni gymnastics star Carlos Yulo ang kanyang napanalunang dalawang gintong medalya sa Paris Olympics para sa bansa.
Ito ang inihayag ng tinaguriang Golden Boy nang umuwi siya at ang Team Philippines kahapon.
Itinuring ngayon si Yulo bilang Filipino sports hero matapos maging unang double Olympic champion ng Pilipinas. “Nanalo tayo ng gintong medalya. Panalo po namin, panalo nating lahat,” ayon kay Yulo.
Lumapag ang Philippine Airlines flight sakay sina Yulo, boxing bronze medalists Aira Villegas at Nesthy Petecio at siyam na iba pang atleta sa Villamor Air Base sa Pasay.
Kasama rin nila sina Boxers Eumir Marcial, Carlo Paalam, at Hergie Bacyadan, pole vaulter EJ Obiena, weightlifters Elreen Ando, Vanessa Sarno, and John Ceniza, at hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino.
Isa-isang bumaba ang mga atleta sa eroplano habang pinatugtog ng Philippine Air Force Honor Guards ang kantang “We Are The Champions” at sinalubong ng kanilang mga kaibigan at pamilya.
Winelcome din si Yulo ng kanyang teammates sa national team na sina John Ivan Cruz, Juancho Miguel Besana, Jan Gwynn Timbang, Justine Ace de Leon at John Romeo Santillan.
Bahagi rin ng welcoming crew ang iba pang miyembro ng Team Philippines: swimmers Kayla Sanchez at Jarod Hatch, fencer Samantha Catantan, judoka Kiyomi Watanabe, at rower Joanie Delgaco.
Hindi naman kasama sa biyehe sina Golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina; gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Jung-Ruivivar.
Agad dumiretso ang mga atleta sa Malacañang para mag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (RON TOLENTINO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA