February 22, 2025

2 ESTUDYANTE SA PASIG KINADYOT NG SAKSAK (Sa labas ng school)

SUGATAN ang dalawang estudyante makaraang pagsasaksakin ng kapwa estudyante sa labas ng Rizal High School sa Pasig City nitong Huwebes ng hapon.

Agad na isinugod sa Child Hope Hospital ang dalawang biktima, nasa 14 at 15 ang edad.

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Pasig CPS ang pitong estudyante na sangkot sa insidente matapos ang isinagawang follow-up operation ng kapulisan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang mga biktima at isa sa mga suspek sa loob ng school at nang matapos ang kanilang klase ay nagkaroon ng pisikal na komprontasyon sa labas ng eskwelahan.

Mabilis na tumakas ang suspek, 14-anyos,  habang isinugod sa ospital ang dalawang biktima na nagtamo ng saksak sa dibdib at ibabang bahagi ng likuran.

Narekober ng pulisya ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Nagsasagawa na ngayon ang pulisya ng malalimang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Larawan mula kay Ivy Rvr / FB