TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang menor-de-edad na estudyante ang arestado matapos makuhanan ng umano’y shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Maj. Tessie Lleva, hepe ng Sub-Station 4 ng Caloocan City Police ang naarestong mga suspek bilang si Cristian Josh Segunto, 19, at dalawang binatilyo na edad 17-anyos, ALS student at 16-anyos, estudyante, pawang residente ng Brgy 8, ng lungsod.
Sa report ni Major Lleva kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa kahabaan ng Brgy. 8 ang kanyang mga tauhan dakong alas-2:30 ng madaling araw nang isang concerned citizen ang lumapit sa mga ito at ipinaalam ang hinggil sa apat na lalaki na nagsasagawa umano ng ilegal drug transaksyon sa Salmon Street.
Agad pumunta sa nasabing lugar ang mga pulis subalit, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensiya ay nagtakbuhan ang mga ito sa kabila ng kanilang utos na huminto.
Hinabol sila nina PCpl Ramil Johnson Francisco, PCpl Robert Gabano Jr. at PCpl Rogelio Abad Jr hanggang sa maaresto ang tatlong suspek habang nagawang makatakas ng isa nilang kasama na sinasabing tulak ng ilegal n droga.
Nang kapkapan, nakumpiska sa tatlong naaresto ang tig-isang transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug price P11,560.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC (Resistance and Disobedience to person in Authority or the Agents of such person) at Sec. 11 (Possession of Dangerous Drugs), Art. II of R.A.9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Segunto habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng CSWD ang dalawang menor-de-edad. (JUVY LUCERO)
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!