Muntinlupa City – Bumulagta ang dalawang ‘big-time’ drug suspect matapos na manlaban at makipagpalitan ng putok ng baril sa isinagawang dug-buy bust operation ng mga pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ng Special Operation Unit 16 ng (NCR) Police Regional Regional Office 6 Regional Intelligence Division, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NCRPO-RID-RSOG, RDEU at Muntinlupa City Police Station, NCR Southtern Police District sa pangunguna ni NCRPO Chief PMGen. Vicente Danao Jr., na mga nakasabat ng P68 milyon halaga ng shabu noong Linggo ng gabi sa Katarungan Village 1 sa nabanggit na lungsod.
Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Jordan Abrigo at Jayvee De Guzman, na parehong miyembro ng Divinagracia Drug Group.
Base sa report ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) PBGen. Remus Medina kay PNP Chief PDirGen. Guillermo Eleazar, nag-ugat ang naturang operasyon at napatay ang mga nanlaban na suspek na nakipagtransaksyon sa isang police undercover na nagpanggap na bibili ng droga subalit nakaramdam umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon at mabilis na bumunot ng mga dalang baril ang mga suspek at pinaputokan ang pulis na masuwerteng hindi tinamaan.
Agad naman gumanti ng putok ang mga police back-up at napatay ang mga suspek.
Nasamsam sa posisyon ng dalawang suspek ang sampung kilo ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga P68.000.000, street market value, isang kulay itim na Nissan Cefiro na walang plaka, dalawang piraso ng cal.45 na baril na meron laman magazine at mga bala, at ang ginamit na P1,500.000.00 na buy-bust money.
Ayon kay PNP Chief PDirGen. Eleazar, na ang mga nasawing suspek ay tauhan umano ni Michael Divinagracia na lider ng “Divinagracia Drug Group” at ng isang nagngangalan na Johnson, isang Chinese national at kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison o (NBP) na mga nagsusuplay ng droga partikular na sa Metro Manila, Region 6 at mga karatig probinsya.
Sinabi pa ni Eleazar na sangkot din sa pagpapakalat ng iligal na droga ang grupo ng mga napatay na sindikato sa lugar ng Visayas at Mindanao gamit ang mga cargo trucks na isinasakay sa mga RORO vessels galing ng Batangas Port at ibinabagsak sa mga kasabwat nilang mga Muslim sa lugar.
Binati naman ni General Eleazar ang PNP gayundin ang PDEA sa matagumpay na operasyon ng kampanya sa iligal na droga.(Koi Hipolito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY