KULUNGAN ang kinasadlakan dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng nasa P80K halaga ng high grade kush nang maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Martes ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek bilang sina King Jasper Deguia alyas “King”, 27 ng D. Aquino St., 3rd Avenue, Brgy. 43, at Joshua Delgado, 28 ng 11th Ave. Grace Park Brgy. 93.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogeliop Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police na nagbebenta umano ng illegal na droga sa lungsod ang mga suspek kaya isinailalim ang mga ito sa surveillance operation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO na may coordination sa PDEA-RONCR ang buy-bust operation sa 7th Avenue Corner Maria Clara Street, Barangay 109, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Ani P/Major Odtuhan, nakumpiska sa mga suspek ang isang medium transparent plastic zip lock (subject of sale) at tatlong medium vacuum transparent plastic na naglalaman ng humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon with fruiting tops ng high grade kush, paper bag, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 14 pirasong P1,000 boodle money.
Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN