ISINELDA ang dalawang drug suspects, kabilang ang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Linggo ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Roger”, 46, tricycle driver at alyas “Juan”, 61, kapwa residente ng Brgy. Ugong.
Sa kanyang report kay Northern Police Ditrict (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt Col. Sales na ikinasa ng kanyang mga tauhan sa pangunguna na P/Capt. Regie Pobadora ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap nila na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ni alyas Roger ng shabu.
Matapos matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na buyer na hudyat na nakabili na ito ng shabu sa kanilang target, agad pinasok ng mga operatiba ng DDEU ang isang bahay sa No. 1135 A. Bernardino St., Brgy. Ugong saka dinamba ang mga suspek dakong alas-9:31 ng gabi.
Nakumpiska kay alyas Roger ang humgi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at anim pirasong P1,0000 boodle money.
Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) inrelation to Sectiom 26 (Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drug) under Article II of R.A 9165 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI