SWAK sa kulungan ang dalawang bagong identified drug personalties matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Mac Gary Ponseca alyas “Gary”, 32 ng Don Antonio St., Brgy. 19 at Michael Anthony Soriano alyas “Tune”, 39 ng Gen. San Miguel St., Brgy. 8, kapwa ng Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na dakong alas-9:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation kontra kay Gary sa Duhat Road, Brgy. Potrero matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng shabu.
Nang tanggapin ni Gary ang P1,500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama ang kanya umanong parukyano na si Tune.
Ayon kay PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 23 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P156,400 at buy busy money na isang tunay na P500 bill, kasama ang isang P1,000 boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA