November 18, 2024

2 drug suspects kulong sa P100K droga sa Malabon

NASABAT sa dalawang drug suspects ang mahigit P.1 milyong halaga ng droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga naarestong suspek na sina alyas “Hubs”, 32 at “Chabs”, 23, kapwa residente ng Malabon City.

Sa tinanggap na report ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni “Hubs”.

Nang tanggapin ni “Hubs” ang P500 marked money na may kasamang anim na pirasong P1,000 boodle money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanyang parukyano na si “Chabs” sa P. Aquino Avenue corner Gozon, Brgy. Tonsuya, dakong alas-3:30 ng madaling araw. Nakumpiska sa mga suspek ang aabot 15 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00, at buy bust money.