KALABOSO ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.6 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Bebe”, 23 ng Brgy. 120 at alyas “Bong”, 53 ng Brgy. 19.
Nabatid na nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Don Benito St., Brgy., 21 matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Matapos tanggapin ang buy bust money na isang P500 bill na may kasamang anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek dakong alas-8:27 ng gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang humgi’t kumulang 100.50 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P683.400.00 at buy bust money.
Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga naarestong suspek sa piskalya ng Caloocan City.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA