SWAK sa karsel ang dalawang drug pushers, kabilang ang isang ginang na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek na sina Benita Belluco, alyas “Neneng Bei”, 53, (HIV), at Ruben Asuncion, 58, kapwa ng Payapa St. 6th Avenue, Brgy. 125, Caloocan City.
Ayon kay Castillo, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ni Belluco kaya’t agad nagsagawa ang mga operatiba ng DDEU ng buy bust operation sa bahay ng mga suspek dakong alas-2:30 ng madaling araw kung saan isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransksyon kanila ng P7,500.00 halaga ng shabu
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba saka dinakip sila.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang 50 grams ng hinihinalangh shabu na may standard drug price P340.000.00 at buy bust money na isang tunay P500 bill at pitong P1,000 boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA