BAGSAK sa kulungan ang dalawang drug suspects matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas Marlon, 20, (Pusher) at alyas Von, 27, (user), kapwa residente ng Bagong Barrio.
Ayon kay Col. Lacuesta, dakong alas-12:21 ng hating gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy bust operation sa Reparo Road, Brgy 149,
Nakumpiska sa kanila ang nasa 4.3 grams ng hinihinalang high grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P6,020, isang P1,000 bill na ginamit bilang buy bust money, isang cal .38 revolver na kargado ng dalawang bala at dalawang cellphones.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan pa na kasong paglabag sa RA 10591 ang kakaharapin ng isa sa kanila.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA