ARESTADO ang dalawang umano’y listed drug personalities, kabilang ang 51-anyos na ginang matapos makuhanan ng nasa P272,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang naarestong mga suspek bilang sina Nora Eleazar, 51 at Jayson Villahermosa, 34, kapwa ng Brgy. 120 ng lungsod.
Ayon kay Col. Peñones, dakong alas-12:05 ng hating gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Renato Castillo ng buy bust operation sa Alley 8, 2nd Avenue, Brgy 120 matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga ng mga suspek.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P3,500 halaga ng droga at nang tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 40 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P272,000 at buy bust money na isang P500 bill at tatlong pirasong P1,000 boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda