NASAMSAM ang mahigit P.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang umano’y tulak ng illegal na droga na natimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu si Ronaldo Jorge alyas “Buboy Tibayan”, 52 ng B Bruz St., Brgy. Tangos South kaya isinailalim siya sa validation.
Nang positibo ang ulat, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation sa A. Cruz St., Brgy. Tangos South na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-10:00 ng gabi matapos bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 51.50 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P350,200.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 9-pirasong boodle money.
Nauna rito, naaresto naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan dakong alas-11:18 ng ng gabi si Renato Garganta alyas “Atong”, 48 ng Champaca St., Brgy. San Roque.
Ani Cpt Rufo, nakumpiska sa kanya ang nasa 13.3 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P90,440.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 5-pirasong P1,000 boodle money at P400 recovered money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW