Nasakote ng mga operatiba ng NPD-DDEU sa buy-bust operation sa Navotas City sina Jessie Villazur, 36, at Percival Dela Cruz, 39. (RIC ROLDAN)
NALAMBAT ng mga awtoridad ang dalawang umano’y notoryus drug pushers matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., at Percival Dela Cruz, 39, ng No. 17, M. Cabre St., kapwa ng Brgy. San Roque, ng lungsod.
Ayon kay Gen. Ylagan, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy-bust operation sa Brgy. San Roque kontra sa mga suspek makaraan ang ilang serye ng surveillance sa kanila.
Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng P5,000 halaga ng shabu.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 104 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P707,200 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at apat na P1,000 boodle money, 2 cellphones at digital weighing scale.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Navotas City Prosecutors Office.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY