November 24, 2024

2 drug personalities arestado sa P176K shabu sa Malabon

ARESTADO dalawang drug suspects matapos makumpiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

Sa ulat, nakatanggap ng maraming reklamo ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD kontra kay alyas “Buging” na kilala umanong pusher/user at responsable sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa Malabon.

Matapos ang isang linggong surveillance operation, isinagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang buy-bust operation kontra kay Enrico Del Rosario alyas “Buging”, 41, conductor sa kanyang bahay sa No. 17 Sulucan St., Hulong Duhat, Brgy Hulong Duhat dakong 9 ng gabi.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Del Rosario matapos iabot sa isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Nasamsam sa suspek ang nasa 26 gramo ng hinihinalang shabi na may standard drug price P176,800 ang halaga, P1,000 marked money, cellphone at P1,000 drug money.

Samantala, dakong 9:30 naman ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna nu PLT Edgardo Magnaye na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Del. Rosario merville Brgy. Dampalit, Malabon City si Anthony Zosimo alyas “Pantot”, 38, tricyle driver ng 8A c. perez st, Brgy. Tonsuya matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.