Dalawa ang nadagdag sa namatay dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Valenzuela na umabot na sa 178, kahapon Setyembre 23.
Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) noong Setyembre 22 ay 6,603 ang confirmed cases sa lungsod, 5,504 ang gumaling at 923 ang active cases.
Kinabukasan ay 6,645 na ang active cases, 5,676 na ang gumaling, at 791 na lamang ang active cases.
Samantala sa Malabon City, isa ang namatay dahill sa pandemya mula sa Barangay Baritan at umakyat na sa 181 ang COVID casualties ng siyudad.
Ayon sa City Health Department, 21 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 4,888 ang positive cases, 383 dito ang active cases, habang 38 ang gumaling at sa kabuuan ay 4,324 ang recovered patients ng lungsod. Pito naman ang nagpositibo sa COVID sa Navotas at 19 ang gumaling. 4,823 na ang nasasapul ng COVID sa lungsod, 4,432 na ang gumaling, 256 ang active cases at 135 na ang namamatay
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA